Tunay na Umiibig

Matagal na rin ng maramdaman ko ang tunay na umibig.
Matagal na rin nun naranasan kong hindi kumain dahil wala akong gana sa kaiisip.
Matagal na rin nun huli akong tumingin sa ulap at nangarap ng bukas ay may kapiling.
Matagal na.. matagal na nun huling narinig at naramdaman kong dumagundong ang aking dibdib.

Madami na ang dumating, madami ang nakidaan, nakisama at nakisiping,
Sa dami nalimutan ko na ang pakiramdam ng tunay na umibig.
Nalimutan ko ang pakiramdam ng kiligin, ng maghintay at buong araw na magnais.
Sa maghapong magkasama na kahi’t walang sinasambit, sa mga mata lamang nakatitig.

Hangang Isang araw biglang dumating ka, sa gitna ng aking paglalakbay ika’y aking nasilayan.
Nasilayan ko ang mga mata mong kay lambing tignan at sa maghapo’y  kay sarap titigan.
Narinig ko ang mga tinig mong kay tamis, na patuloy tumatakbo at naririnig sa aking isipan.
Nahawakan ko ang mga kamay mo, mga kamay nasa kahit sa pagtulog ay aking nais na tangan.

Sa biglaang pagkakataon naranasan kong muling hindi kumain sa kaiisip… pero hindi ako umiibig.
Namalayan ko ang sarili kong nakatingala sa ulap at ikaw ay ninanais kapiling… pero hindi ako umiibig.
Hindi inaasahang naramdaman kong tumibok ang aking dibdib… pero hindi ako umiibig.
Hindi ako umiibig… hindi ako umiibig.. yang ang pilit kong sinisiksik sa aking isip.. pero putangina… ako ay umiibig.

Pinilit kong itago, pinilit kong ilihim, sarilinin at isantabi na lamang ang aking nararamdaman.
Ninais kong huwag ipaalam at huwag iparinig ang napalakas na kabog ng aking dibdib.
Ninais kong manahimik at umasang wala… wala… walang pagasa at walang patutunguhan.
Pinilit ko… pinilit ko… pinilit kong huwag mahulog syo at unti unti kang ibigin…

Pero tulad ng isang rumaragasan tren, hindi ko na kinayang ihinto pa’t pigilan.
Tulad ng pagpatak ng ulan, hindi ko maiwasan ang pagdampi ng tubig sa aking nauuhaw na katawan.
Hindi ko napigilan ang rumaragasang pag buhos ng damdamin para sa’yo.. iniibig kita.
Iniibig kita hiyaw ng aking puso’t isipan, at sa kahit ano pang paraan hindi ko na kaya pang pigilan.

Ngunit kahit gaano man natin naisin at pilitin ay hindi ka magiging akin.
Ang mga sulyap ay mananatiling sulyap, mananatiling tapik ang mga tapik at hindi magiging yakap.
Ang mga “kamusta” ay mananatiling “kamusta” at hindi kailanman magiging “mahal kita”.
Ang mga ngiti ay kailanman may itatagong luha, ang damdamin kailanma’y mananatiling uhaw.

Muli naransan kong hindi makakain dahil sa walang tigil na pagiyak at pagiisip.
Muli naranasan kong lumuha habang nakatingin sa ulap sa pag nanais na ikaw ay makapiling.
Muli naransan ko ang sakit sa bawat tibok ng aking dumadagundong na damdamin.
Matagal na… Matagal na rin ng muli akong masaktan ng dahil sa ako ay tunay na umiibig.